Tourist Spot Alert:
PINSAL DE CABATACAN FALLS: ANG PINAKAMAGANDANG WATERFALL SA LASAM
๐ Cabatacan West, Lasam, Cagayan
MATATAGPUAN sa paanan ng makapangyarihang kabundukan ng Cordilleras, sa kanlurang bahagi ng Lasam, malapit sa hangganan nito sa bayan ng Flora, Apayao, ang Pinsal de Cabatacan Falls ay isang natatanging likas na atraksiyon. Napapalibutan ito ng mga matataas na bundok at makakapal na kagubatan, at mararating lamang ito mula sa bayan ng Lasam. Imposible itong marating kung ikaw ay magmumula sa silangang bahagi ng Flora dahil sa taas at sukal ng mga bundok na tatahakin mo. Bukod pa rito, wala pang "established trails" sa bahaging ito ng Flora patungo sa bayan ng Lasam.
![]() |
Ang Pinsal de Cabatacan Falls, ang pinakapambihirang talon sa bayan ng Lasam |
Sa teknikal na terminolohiya, ang salitang "pinsal" sa Ilokano ay nangangahulugang maliit na talon na tinatawag ring "cascade" sa Ingles. Kung ang cascade ay mayroong well-defined at enclosed na "plunge pool" (basin), tinatawag itong "pekkan" sa Ilokano, samantalang maaari nang matukoy na talon o waterfall ang anyong tubig kung ito ay may konsiderableng taas at may tuloy-tuloy na malakas na pag-agos sa anggulong halos 90 degrees.
Tinawag itong Pinsal de Cabatacan upang magkaroon ito ng sariling pagkakakilanlan dahil sa dami ng mga waterfalls sa Hilagang Luzon na mayroon ring pangalang Pinsal. Ang Pinsal ay hindi lamang tumutuloy sa iisang lugar o talon, ngunit kung daragdagan mo ito ng katagang "de Cabatacan", malalaman nating ito ang natatanging waterfall na matatagpuan lamang sa bayan ng Lasam, partikular sa Barangay Cabatacan West.
![]() |
Isa sa mga marami pang "cascades" sa palibot ng Pinsal de Cabatacan Falls |
Ang Pinsal de Cabatacan Falls ay isang uri ng fan waterfall, ibig sabihin, ang daloy ng tubig ay hugis abaniko. Mula sa isang stream ng tubig sa itaas, kumakalat ito na parang abaniko habang ito ay bumubulusok patungo sa plunge pool o ilog. Ang limestone rock kung saan dumadaloy ang tubig ng talon ay hugis tatsulok o tila may anyong bunot (lampaso). Bukod tangi ito sa lahat ng mga waterfalls sa bayan dahil sa pambihira nitong porma at anyo.
Dagdag pa rito, ang Pinsal ay isa ring multi-cascade falls dahil napapalibutan ito ng mas maliliit pang mga cascades. Tatlo sa mga cascades ay mayroong butas o cavern sa ilalim na nahulma mula sa milenyang pagtunaw ng tubig sa mga limestones hanggang sa tuluyan itong nakagawa ng mga butas o cavern at maliliit na tunnels.
![]() |
Mula sa milenyang pag-agos ng tubig sa mga limestones, nabuo ang mga caverns sa Pinsal de Cabatacan |
Mas lalong nagiging kagila-gilalas ang anyo ng Pinsal tuwing darating ang tag-ulan dahil lumalakas ang mga kulay puting agos na tila mga snow o niyebe na dumadausdos mula rito. Sa palibot nito ng Pinsal, kapansin-pansin ang dami ng mga pako (fiddlehead ferns), bilagot (aba ti bantay) at arimuran (rattan) na siyang nagbibigay luntiang kulay sa kapaligiran.
Sa kapal ng kagubatang matatagpuan sa bahaging ito ng Cabatacan West, dito nakita ang presensiya ng mga pambihirang hayop gaya ng Philippine hanging parrot, Luzon hawk-owl at golden crowned flying fox na naisama sa cultural mapping of natural heritage sa isinasagawang Project LaCASA (Lasam Culture and Arts Significant Artifacts) upang tukuyin ang mga nakakamanghang hayop na matatagpuan sa munisipalidad.
![]() |
Ang Pinsal de Cabatacan Falls ay isang uri ng multi-cascade waterfall |
![]() |
Isa sa mga maraming caverns na matatagpuan sa Pinsal de Cabatacan |
Ang katubigan ng Pinsal de Cabatacan ay mayaman rin sa talangka (agatol o forest crabs) at susong-pilipit (agurong o jagora shell), patunay na ang bahaging ito ng kagubatan ay malusog pa at kaya pa nitong suportahan ang iba't ibang ekosistema at biodiversity sa lugar.
Ngunit may isang pangitain tayong nakikita:
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค ๐จ๐ ๐ ๐๐ข๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐๐๐จ. ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ก๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ, ๐๐ฃ๐ ๐ ๐ช๐ ๐ค ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ฎ๐ค๐ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐ช๐จ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ฃ. ๐ผ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฅ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ช๐ข๐๐จ๐๐ ๐ก๐๐ฌ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐๐ก ๐๐ฎ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ข๐๐๐, ๐๐ฉ ๐ข๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฎ๐๐จ๐๐ , ๐ข๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐ฃ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ค๐ค ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ช๐ฃ๐๐ช๐ ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ข ๐ฃ๐ ๐ ๐ง๐๐จ๐ฉ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐ช๐๐ช๐ ๐๐ก ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ก๐ค๐.
Huwag sana natin itong hayaang mangyari.โข๏ธ
___
(Sonnyboy Pacursa)
![]() |
Isa lamang ito sa marami pang tanawin na matatagpuan sa Pinsal de Cabatacan Falls |
ExploreLasam #EndlessFunCagayan #VisitCagayanPH #PinsalDeCabatacanFalls #PinsalFalls #CabatacanWest #LasamCagayan #IntoTheWildSeries #TWOrismoSaLambak #RacetoHundredFalls #LoveThePhilippines